Balitang Morong

Mga bagong kaganapan sa Morong. Bali-balita at sariwang pangyayari para hindi kayo nahuhuli sa bago. Hindi tsika lamang o charing. Sa totoo lamang.....

Wednesday, July 15, 2009

Napakaraming Bagyo!


Napakaraming bagyo na rumarating sa Pilipinas! Hindi pa nakaka rekober sa katatapos na bagyong Feria kung saan maraming namatay at lugar na lumubog sa bagyo at rumating na naman at hindi nagpapigil sina bagyong Gorio, Huaning at ngayon naman ay si Isang. Sa bagyong Feria ay bumaha ng husto sa kabayanan ng Morong simula sa gasolinahan ng Caltex hanggang sa paglampas ng Mateo's. Walang tigil ang ulan at nawalang ng pasok sa eskwelahan. Kung bakit naman nakikisabay pa sa A H1N1 Flu ay lalong masyadong maraming tao ang nagkakasakit at inuubo dahil sa walang tigil na ulan.

Friday, April 17, 2009

SALUBONG 2009








Salubong 2009. Nagsalubong ng alas kwatro ng umaga nung Linggo, Abril 12, 2009. Maraming sumama sa salubungan at sa prusisyon. Halos lahat ay nakipagsaya sa ,uling pagkabuhay ni Hesus.

BIYERNES SANTO.






Biyernes Santo. Nagsimula ang prusisyon ng alas siyete ng gabi. Prusisyon na kinikilala bilang paglilibing sa ating poong Hesukristo na namatay at halos buong bayan ay nakilahok at natapos pagkatapos ng halos tatlong oras.

Thursday, April 16, 2009

CORDERO 2009.






Cordero 2009. Nagparada ang Cordero 2009 nuong Huwebes, Abril 9, 2009. Maayos at maganda ang mga suot ng mga kasali sa parada. Ang banda Morriz ay maayos rin at napakaganda ng suot. Ang mga Hermana at Hermano ay magaganda rin ang suot at maayos ang kanilang linya sa parada. Isa sa pinaka maayos na Cordero na nasaksihan ko.


MIYERKULES SANTO





Miyerkules Santo. Nagsimula ang parada ng mga Santo sa buong bayan. Marami at naggagandahan ang mga suot na ramit ng mga Santo. Marami rin ang mga kababayan anting nag prusisyon sa kani-kanilang mga Santo.


PALASPAS




Palaspas. Mahal na araw na po. Nagsimula na ang Palaspas nung Linggo, Abril 5, 2009. Maaga pa'y nagpuntahan na ang mga tao at nagparada sa kabayanan ng kani-kanilang palaspas. Panahon na naman po ng pagtitika at pagninilay-nilay.

Saturday, March 07, 2009

BANTAY ILOG, BANTAY KALIKASAN RAW


Orihinal na galing raw sa email ng isang concerned na kababayan nating si Chito San Miguel:

Sabado, 07Mar2009, Morong Plaza. Kaninang hapon po ay may pambayang pulong na ginanap sa plaza. Pinagunahan ni Kon. Egay de Rosas tungkol sa programang Bantay Ilog, Bantay Kalikasan. Nitong nakalipas na Pebrero ay sumulat at lumapit ang GAER CLUB ng Morong – grupo ng mga namimiwas sa ilog – sa ating Mayor upang makipag-ugnayan sa paglilinis ng ilog. Sila ay nag volunteer ng maglilinis ng ilog.

Sa pulong ay nagsalita si Mayor JojoB, Vice-Mayor Emil, Kon 4x4, Kon Kamandag, Kon. Tino, Pulis Chief, at MENRO Frondie. Nagpaliwanag si Buyboy Espito Santo ng Gaer Club kung paano nabuo ang kanilang layunin na maglinis ng ilog. Sumusuporta rin ang samahan mga mangingisda sa Wawa at Brgy San Pedro, pati ang samahan ng mga Magsasaka, at Liga ng mga Barangay. Naruon rin ang Rotay Club, TCMES, URS at Senior Citizens. Nilinaw na maghigpit na pinagbabawal ang pagtatapon sa ilog.

Maraming balakin, kagaya ng pag-deputize ng mga mamayan at students para manghuli ng violators; magpapahiram ng bangka ang mga mangingisda para sa paglilinis ng ilog; education sa mga pupils; improvement ng paghakot ng basura; neighborhood info campaign; atbp.

Malinaw na sinabi na ang lahat na Moronguenos - mamimiwas, mangingisda, magsasaka, tiga tabing-ilog at pati lahat na - ay may pananagutan sa kalinisan ng ilog, kapaligiran at ng lahat na Kalikasan.

Sana po ay magtuluy-tuloy na ito para environment o ecology awareness ng ating bayan. Baka sakaling maibalik natin ang kalinisan ng buhay na ilog.

Ang Gaer Club ay lumapit rin sa manlalaro at kabataan ng aming samahan upang mag-imbita sa volunteer work. Kaagar namang pinaunlakan.

Mabuhay po kayo Gaer Club at volunteers! Suportahan at tulungan natin sila.

KLAP... KLAP...KLAP! Saludo ako riyan sa gawaing iyan ng mga konsehal. Sana'y tuluy-tuloy iyan at hindi ningas kugon lamang. DI hamak na kapaki-pakinabang ang gawaing iyan para sa bayan kaysa sa pagbebenta ng mga pira-pirasong bakal na kinarne galing sa ating tulay sa hardin, di po ba?

WALA NANG MAKAPIPIGIL





Well, sa tingin ko po'y wala nang makapipigil pa sa "legacy project" ni Fr. Bembol sa paglalagay ng mga istasyon ng krus. Ako'y nalulungot at karamihan sa mga tao ay ang alam lalamang ay yung kung ano ang ilalagay pero hindi nila lubusang naiintindihan ang magagastos at epekto nito sa ating simbahan sa kabuuan. Ngayon lamang ako nakakita ng paring ganito na kung ano ang gusto niya ay syang makapangyayari. Tama pala at hindi ako nagkamali na mas gustuhin ko si Fr. Mathan hindi dahil sya ay mas vocal at mas straightforward, pero mas labas at nakikita ang kanyang nararamdaman at objective kesa sa kay Fr. Bembol na akala ko'y mabait ay may kademonyohan palang natatago sa katauhan. Paumanhin sa aking salita at mga lengwahe, pero siya kasama ang mga nasa simbahan ay minamanipula ang buong bayan sa pamamagitan ng simbahan. Patawarin kayo ng Diyos sa ginagawa ninyo. Buhay pa kayo'y sinisilaban na sa impyerno ang mga kaluluwa ninyo. Kahit kailan ay hindi ako magpapadikta sa isang pari na katulad nito. Napansin ko lamang: BAKIT ANG BALOTA AY HINDI GINAWANG :



ANG PAGLALAGAY NG ISTASYON NG KRUS: SUMASANG- AYON KA BA?


____ OO


____ HINDI


(BAKIT KAILANGANG GAWIN ANG BALOTA NA KUNG SAAN KAAGAR ILALAGAY EH HINDI PO BA MAS MARAPAT LAMANG NA UNAHIN NA CONCERN NATIN AY KUNG SANG-AYON ANG MGA TAO SA PAGLALAGAY NITO? TSK...TSK.... MISLEADING YAN SA MGA TAO LALO SA MGA WALANG PAKIALAM SA MUNDO. AT DAHIL YUNG IBA'Y HINDI NAMAN HALOS ALAM NA MAY USAPIN NA GANITO AY WALA NA RIN ANG BOTO NILA. TSK...TSK.....)



At anu't pati ang Alumni Association ay pinakikialaman at sinasabing kokolektahan ang bawat miyembro ng tig iisang daang piso taun-taon? Para ano? Fr., let me remind you if in case you don't know.... na ang simbahan o kahit ikaw pa bilang direktor ng simbahan at ng St. Jerome's, ay WALANG PAKIALAM sa kahit na anong pamemera o pinansyal na hawak ng asosasyon o kahit sa ano mang desisyon na hahawakan ng asosayon. Ang asosasyon ay pwedeng mag donate, o magbigay ng pera, assistance o tulong sa St. Jerome's o sa simbahan sa SARILI AT BOLUNTARYO na kakayahan nito at hindi sa sapilitan o utos nino man. Ang pwede mo lamang pakialaman ay ang paaralan o St. Jerome's mismo, pero ang Alumni Association ay independent body na hindi mo basta pwedeng mapakialaman anytime na gustuhin mo. At yang pangongolekta na yan, kung magagawa yan na lahat ay magbigay, bakit ang hinde, pero ang perang malilikom riyan ay sa asosasyon at hindi sa St. Jerome o sa simbahan at lalong hindi sa iyo. In the first place, ang St. Jerome itself ay dapat i account lahat ng finances at kung payag ka riyan, mas makakabuti iyan para alam ng lahat kung magkano pumapasok at magkano lumalabas. At sa tingin ko, napakaraming tatamaan riyan, pero yung pilitin kaming sumuporta sa pangongolekta mo para mapunta lamang sa bulsa ng iba, eh mali iyan. O kung ang ikakatwiran mo ay mangongolekta ka bilang membership ng mga nag graduate sa St. Jerome mismo, eh para ano? Ang membership ay sa Alumni Association at hindi sa eskwelahan, di po ba? Kaya yang sinasabi ninyong pangongolekta simula Marso, pasensya na po kayo pero kahit kailan ay hindi ko pwedeng sang ayunan at suportahan iyan.
FR..... FR..... IKAW BA'Y NAGUGULUMIHANAN?

Tuesday, February 17, 2009

Ang Mga Istasyon Ng Krus.





Ang proposed na itatayong mga Istasyon ng Krus sa Patio ng ating Simbahan ay tinututulan ng ilang mamamayan sa maraming kadahilanan. Mga Kababayan ko, maging ako ay hindi mapakali at iniisip ko kung ano ang katwiran ni Fr. Bembol sa pagsasabi niyang ipatatayo niya ang mga istasyon na iyan dahil iyan ay kanyang "legacy" o sa madaling salita, gusto niyang siya ay mayruong maiiwan na pamana sa ating bayan. Walang masama sa kanyang hangarin, pero lagi kong sinasabi na kahit anong ganda ng isang hangarin, kung ang pagpapatupad nito ay mali at hindi naaayon sa mga alituntunin na dapat na sundin bago ang magandang hangarin na ito ay magawa, ay mali pa rin ito at hindi tama. " Leaving a legacy is good, but if implementation in doing this isn't done not accordingly to what is right and legal, the intention doesn't make it any right either." Sa akin pong pananaw, ang ating simbahan ay puhong taon na at mayruong mga alituntunin na dapat tayong sinusunod bago tayo gagawa ng kahit na anong hakbang lalot ito ay may kinalaman sa pagbabago ng pisikal na anyo ng ating simbahan. Hindi po pupwede na basta naisipan natin na maglagay ng kung ano ay pwede nating basta gawin iyan dahil huwag nating kalilimutan na ang bawat simbahan ay sakop ng mga alituntunin na dapat na naaayon sa mas nakatataas. At kasama po riyan ang "PRESERVATION" ng historical churches at malinaw na ang ating simbahan, being hundred of years old, ay kasama riyan. Ayokong maging matalas sa pananalita, pero nung una, ang alam ko'y masyadong napakalaki ng proposed na budget riyan sa mga istasyon na iyan at aabot ng milyon. Nang ma opposed ng mga ilan, bumaba at naging P36 thousand ang isa. Hindi po ba napaka wrong timing nito knowing na lahat sa buong mundo ay nakakaranas ng krisis? Napaka yaman pala ng Morong at sa gitna ng krisis ay makakapagpatayo pa ng mga istasyon na iyan na napaka mahal, lalo pa't hindi naman lahat ay sumasang- ayon! Fr. Bembol, napakaraming taong nagugutom, pero bakit kailngang unahin nating isipin ay ang pag gastos sa mga istasyon na iyan? Hindi lamang tungkol sa dahilan ng preservation, napakarami pang dahilan at aspetong dapat na i consider mo bago ka nag decide ng ganyan. Una, sisirain mo na ang pisikal na anyo ng patio, maglalagay ka pa niyan at parang sinira mo na rin ang mga bricks na pinag ambaganan ng mga tao. Let me remind you Fr. Bembol, na ang bricks na iyan ay "sinang- ayunan" ng buong mamamayan ng Morong at marami ang nag donate riyan maski pa isa-isa lamang so in other words, "gusto" nila iyan at iyan ay "isinangguni" ni Fr. Larry sa mga mamamayan. Dahil ang proyektong paglalagay ng bricks ay hindi ka nagbabago kundi ay nag e enhance ka lamang. Pero kapag mga istasyon ang nailagay mo, babaguhin mo totally ang patio. I hope hindi mo yan ginagawa para lamang sa pansarili mong kasiyahan, dahil the way I look at you, ni hindi ka naman lumalabas ng kumbento at nakikihalubilo sa mga tao. Ni hindi ka mangiti? How can people like you? May "statement" ka pa na "HANGGANG NARIYAN KA SA SIMBAHAN AY ANG GUSTO MO ANG MANGYAYARI". Ano ka, diktador? Hindi komo pari ka ay nasa "tama" ang lahat ng gusto mong mangyari. Tapos ng magsimulang pakalatin sa internet ng mga nag o oppose sa iyo ang mga sulat ng tungkol riyan sa istasyon na iyan ay nagalit ka at you are taking it against those people. Yan ba ang ehemplo ng isang pari who would love us and protect us? Huwag mong susubukan at mamaliitin ang kakayahan ng technology. Dahil rito ay nalalaman ng lahat ng kababayan natin sa ibat-ibang lugar ang lahat ng mga pangyayari rito sa Morong at huwag mo ring iisipin na komo wala sila rito at hindi physically present sa harap mo ay wala silang kakayahan na tutulan ang lahat ng proyekto mo kung kinakailangan. Huwag mong kalilimutan na kahit ang mga kababayan natin ay malayo ay patuloy silang sumusuporta sa mga magagandang layunin at proyekto sa Morong lalo't alam nilang ito ay kapaki-pakinabang. Maglalagay ka ng mga istasyon ay alam mong iyan ay parking ng mga sasakyan. Ilalagay mo sa patio na kalaunan ay pagtataguan lamang ng mga nag de date. Yun ngang walang kahit anong mapagtataguan ay napakaraming nag de date eh, hindi ka naman lumalabas kaya wala kang nakikita. Sa mahal ng proyekto mo, napakarami mo na sanang mga batang nagugutom na napakain. Napaganda mo na sana yung ibaba ng simbahan na bagkus payagan mong mapagtayuan ng Perya at mag ingay ay gawin mong park o garden para magkaruon ng ganda at silbi.Bago mo baguhin ang patio, ayusin mo sana ang bubong ng simbahan na tumutulo. Palitan ang mga yero sa bubong, patibayin at pintahan ng maganda para maging maayos at lumang-luma na. Ayusin mo ang pader at patibayin ng hindi maulit na gumuho. Ayusin mo ang mga halaman sa patio at nanrang ko'y ni hindi nadidilig. Rarathana't may mga nagtanim at nag donate ay ni hindi maalagaan. I don't want to make comparison, pero napipilitan ako dahil sa mga nakikita ko. Nung panahon ni Fr. O' Herlihy, umagat hapon ang dilig ng mga halaman. Berdeng -berde ang kaaligiran. Ngayon, ramo na lamang ay tuyo pa. I enhance mo at pagandahin ang simbahan at patio. Mag concentrate ka sa "existing" at pagandahin , hindi yung mag "create" at magragrag na naman ng kung anu-ano na hindi naman mapapanungkapan. Ang grotto, pwede bang ayusin naman? Iginagalang kita bilang kura paroko ng aming bayan, at kahit alam kong kapag galit ka o may nag oppose sa iyo ay you're taking it against the person, i think that is so unbecoming of a priest.

Monday, December 22, 2008

Ang Krismas Tri



Napansin nyo po ba ang Krismas Tri na nasa kaliwa ng simbahan? Yung umiilaw at mararaanan kung tayo ay pupunta ng kumbento? Nung unang mapansin ko ay sabi ko sa sarili ko'y maige naman at naglagay ng Krismas Tri ruon at kakaiba sa mga nagraang taon. Pero ng maalaman kong iyon ay puro bilao kung saan mag do donate ang mga tao at ilalagay ang kanilang pangalan sa bilao ay akoy naguluhan. Una, depende sa taas ng bilao na ido donate mo ay kung mas malaki yata ang amount ay nasa ibaba ka at nakikita kaagar ng mga tao ang pangalan mo. Susmaryosep! Sino bang nakaisip ng kabalbalang ito? Kaya naman pala rumating ang Pasko ay hindi napuno ang Krismas Tri ng mga bilao ay dahil sa mahal. Talaga po bang ganyan na ang isip ng mga tao? Kayo pang mga nasa simbahan ang bagkus na magpahayag sa mga tao na rgardless of the amount na ido donate mo ay taos pusong matatanggap ay kayo pa ang naglalagay sa isip namin na importante kung mas malaki ang aming ido donate. Anong klaseng mga tao kayo? Hindi susukatin ng Diyos kung magkano ang nai donate ninyo para kayo pagbuksan ng kaharian ng langit. At lalong hindi kailngang mag donate para ipagpalpalan ang inyong mga pangalan sa buong bayan.

Thursday, September 25, 2008

Bagyo







Ang epekto ng bagyong "Frank" sa palayan ng Morong nuon na syang naging sanhi ng paglubog ng barkong Sulpicio. Naalala ko lamang po dahil ngayon pa lamang nagsisimula ang operasyon ng pagkuha sa nakakalasong kemikal na nasa loob ng barkong ito at pag retrieve sa mga natira pang bangkay. Isipin ninyong dalawang buwan na mahigit na ang nakakaraan simula nang lumubog ito ay ngayon lamang natuloy ang operasyong ito. Marami pang bagyong rumaan pagkatapos nito at ngayon at ang katatapos lamang nung ilang araw ay si Ninya. Ngayon naman ay maghapon na namang hindi umaaraw at may namumuo na namang panibagong bagyo na si Ofel.