BANTAY ILOG, BANTAY KALIKASAN RAW
Sabado, 07Mar2009, Morong Plaza. Kaninang hapon po ay may pambayang pulong na ginanap sa plaza. Pinagunahan ni Kon. Egay de Rosas tungkol sa programang Bantay Ilog, Bantay Kalikasan. Nitong nakalipas na Pebrero ay sumulat at lumapit ang GAER CLUB ng Morong – grupo ng mga namimiwas sa ilog – sa ating Mayor upang makipag-ugnayan sa paglilinis ng ilog. Sila ay nag volunteer ng maglilinis ng ilog.
Sa pulong ay nagsalita si Mayor JojoB, Vice-Mayor Emil, Kon 4x4, Kon Kamandag, Kon. Tino, Pulis Chief, at MENRO Frondie. Nagpaliwanag si Buyboy Espito Santo ng Gaer Club kung paano nabuo ang kanilang layunin na maglinis ng ilog. Sumusuporta rin ang samahan mga mangingisda sa Wawa at Brgy San Pedro, pati ang samahan ng mga Magsasaka, at Liga ng mga Barangay. Naruon rin ang Rotay Club, TCMES, URS at Senior Citizens. Nilinaw na maghigpit na pinagbabawal ang pagtatapon sa ilog.
Maraming balakin, kagaya ng pag-deputize ng mga mamayan at students para manghuli ng violators; magpapahiram ng bangka ang mga mangingisda para sa paglilinis ng ilog; education sa mga pupils; improvement ng paghakot ng basura; neighborhood info campaign; atbp.
Malinaw na sinabi na ang lahat na Moronguenos - mamimiwas, mangingisda, magsasaka, tiga tabing-ilog at pati lahat na - ay may pananagutan sa kalinisan ng ilog, kapaligiran at ng lahat na Kalikasan.
Sana po ay magtuluy-tuloy na ito para environment o ecology awareness ng ating bayan. Baka sakaling maibalik natin ang kalinisan ng buhay na ilog.
Ang Gaer Club ay lumapit rin sa manlalaro at kabataan ng aming samahan upang mag-imbita sa volunteer work. Kaagar namang pinaunlakan.
Mabuhay po kayo Gaer Club at volunteers! Suportahan at tulungan natin sila.
KLAP... KLAP...KLAP! Saludo ako riyan sa gawaing iyan ng mga konsehal. Sana'y tuluy-tuloy iyan at hindi ningas kugon lamang. DI hamak na kapaki-pakinabang ang gawaing iyan para sa bayan kaysa sa pagbebenta ng mga pira-pirasong bakal na kinarne galing sa ating tulay sa hardin, di po ba?

1 Comments:
Saludo po ako sa Gaer Club and to all councilmen, volunteers at sa lahat na namumuno na sumusuporta sa project na ito. Recomendation ko lang po ay kung sa Bayan lang ang lilinisan ay hindi rin eto effective. Siguro po ay dapat lang na lahat na dinadaluyan ng tubig from Teresa, Prinza, SG, Bongbongan hanggang sa Wawa ay malinisan. Dapat po siguro na ang Mayor ng Morong ay makipagugnayan sa Mayor ng Teresa para ma- revive at pakinabangang muli ng mga mangigisda, magsasaka at ng lahat nating mga mahal na kababayan ang ilog na ito. Alam ko po Mayor na kayang-kaya ninyong gawin at ibalato ito sa ating mga kababayans.
Saludo rin po ako kay SM at kung hindi dahil sa kanya ay hindi tayo magkakabalitaan at hindi rin natin maibubulalas ang gusto nating sabihin na matagal na nating kinikimkim sa ating ribrib. Sana si SM ay kumandidato sa pagka Governor ng Rizal para lalong bumuti anf tagbo ng government at mawala ang mga corapraps.
Post a Comment
<< Home